Sa Mundo Ko

Sa mundo ko,
Natuto na 'kong tanggapin
Ang mga bagay na inisip kong
Wala na pwede pang ikaganda.

Pero nang nakilala kita
Biglang nag-iba ang lahat.
Sa mundo ko na 
Itim at puti lang ang lagi
Kong nasisilayan,
Biglang nagliwanag ang lahat.

Nakita ko ang bahag-hari.
Ang bahag-haring sumisimbolo 
Sa mga bagay na sinara na ng mga mata ko
Dahil sa pag-aakala na ang lahat ay sapat na.

Ang buong akala ko ay kaya ko lang magkasya
Sa kung ano ang nandito,
Pero ikaw ang nag-paramdam sa akin
Na pwede pa pala.
Salamat sayo,
Salamat sa pakiramdam na ito.



Comments