Sa Araw Na Ito
Sa araw na ito,
Binubuksan ko na ang lagusan
Palabas sa puso ko.
Pinapalaya ko na rin
Yung mga bagay na nakakapag-pabigat ng loob ko.
Maraming bagay na ang nangyari,
Maraming oras na rin ang lumipas.
Ngunit hindi ko pinag-sisisihan
Ang mga desisyon ko noon.
Mayroon lang talagang mga bagay
Na kailangan na natin tapusin.
Para mag-bigay daan
Sa mga mas magaganda pang pangyayari
Sa buhay natin.
Hindi man madali ang pag-pili ko,
Alam kong kakayanin ko.
Di dahil iba na laman ng puso ko,
Bagkus sa dahilang
Kailangan ko mahalin ang sarili ko.
Marahil iyon lang ang ating kailangan
Upang maalala natin na
Bago magkaron ng tayo,
Nag-simula muna ang lahat sa ako.
Ako, na mas nakakakilala sa sarili ko.
Ako, na, sa bandang huli ay ang magd-desisyon
Kung ano ba talaga
Ang gusto kong kahantungan ng lahat ng ito.
Minsan kasi nalilimutan na nating
Alagaan ang sarili natin.
Dahil nasanay na tayong inuuna ang taong mahal natin.
Ito lang din ang dahilan kung bakit sa oras na ito,
Ay kailangan na kita pakawalan.
Nawa ay maintindihan mo kung saan ako nanggagaling
Sadyang may mga bagay lang talaga na
Kahit ano ang gawin nating pilit,
Hindi natin mapag-tutugma.
Dahil na rin siguro sa tadhana.
Hinayaan ng tadhana na mag-kita tayo,
Hinayaan ng tadhana na magmahalan at mag-sumpaan tayo.
Pero hinayaan din ng tadhana na manatili
Yung mga hamon sa paligid natin.
At ngayon, hinayaan na ng tadhana
Na tumigil na nag pag-kikita ng landas nating dalawa.
Comments
Post a Comment