Sa Aking Pag-dating

     Tunay ngang hindi ko na maikakaila ang kaligayahang naradama. Sa mga panahong namulat tayo sa konseptong mag-kabilang dulo, sanay na tayo. Sanay na tayong nagigising sa oras ng pag-himbing ng kabilang panig ng mundo. Sanay na tayo na maging mag-kalayo. Sanay na tayo. Sanay... na tayo.

     Pero sa mga darating pang araw sa ating buhay. Masasanay pa nga ba tayo? Masasanay pa nga ba tayo gayung mahahagkan na natin ang kamay ng isa't isa? Gayung kaya na ng mga mata nating mag-titigan, mag-ngitian, mag-halakhakan sa tuwa? Siguro. Siguro nga.

     Sa mga darating na araw, ang mga nakasanayan nating mga konsepto ay unti-unting mapapalitan na ng matamis na katotohanan. Ang realidad na nandiyan ka na, at nandito na ako sa harap mo. Salamat sa walang humpay mong pag-suporta sa akin araw-araw. Ikaw at ang mga pangarap natin ang naging lakas ko at sandalan ko para malampasan lahat ng nadarama kong lungkot. Lungkot sa tuwing naaalala kong malayo ka sakin.

     Salamat. Salamat sa lahat-lahat. Sa pag-pupuyat mo para maka-usap ako. Sa mga bagay na ginagawa mo para sa akin kahit malayo ako. Sa mga pangarap at mga pangakong hindi mo hinayaang mag-laho at mapako. Siguro nga hindi ko na kailangang masanay sa konseptong mag-kalayo tayo. Dahil mas masarap palang isipin ang katotohanang makakasama kita.

Comments