Nung Gabing Iyon

Nung gabing 'yon
Sa ilalim ng malaking buwan
Una kitang nasilayan
Ngiti mong kasing liwanag ng pagningning
Ng mga bituin sa gabing 'yon.

Nung gabing 'yon
Sa ilalim ng maramig ilaw
Nag-lakas loob akong aminin sayo
Ang lahat ng nararamdaman ko
Pagod nang itago ang nararamdaman
Pagod nang pigilin ang pag-mamahal para sayo.

Nung gabing 'yon...
Naaalala mo pa ba?
Mga pangako mo sa akin
Na walang hanggang pag-mamahal
Hindi mo na naalala
Kinalimutan mo na.

Ngayong gabing ito
Sa muling pag-sapit ng malaking buwan
Inaalala ko lahat ng masasayang alaala.
Nangangarap na sana ako na lang,
Ako na lang ulit.

Comments