Tiwala: Limited or Unlimited?


Kapag nasira ang tiwala, hindi mo na kayang ibigay ulit yung 100% mo sa pag-titiwala sa taong iyon. Meron at meron ng pag-dududa sa taong sumira nung trust. At hindi rin ganun kadali ang pag-hilom ng sugat na dulot niyan. Maswerte ka kung tatanggapin ka ulit at bibigyan ka ng pag-kakataon na itama yung mali at hindi na ito ulitin muli. Time heals all wounds? Tama. Pero, Time heals trust? Ewan ko lang.

Ang relasyon ay parang lapis. Ang tao, parang lapis din; ang buhay. Binibigyan ka ng pag-kakataon para baguhin ang mga mali mo at itama iyon, pero gaya ng lapis na napupudpod ang pambura, unti-unti ring din na nauubos ang tiwala ng tao. Buti sana kung meron laging jumbo eraser na to the rescue kapag laspag na laspag na yung eraser - yung tipong ilang beses mo ng kinagat-kagat yung dulo ng lapis para may magamit ka pang pambura, pero  talagang wala na. Pero lets face reality. Tao lang tayo, nauubos ang tiwala kahit anong gawin natin. Sa buhay na ito, wala talagang matatawag na JUMBO ERASER na laging nandyan para tumulong sa lahat ng panahon. 

Kaya kayong mga nag-mamahal jan! Ibigay ang 100% tiwala sa taong iniibig nyo ngayon! Walang pero pero! Kaya ka nga nakipag-relasyon sa kanya kasi naramdaman mo na sya yung taong ibig mong makasama hindi lang sa ngayon, kundi pang-habang buhay. At tandaan:

"You should never love halfheartedly"

Love is never a game. It is a commitment between two individuals who love one another.

Comments