Bakit ang tao, TANGA pag-dating sa pag-ibig?



          Kung ako ang tatanungin, para sa akin, Love is not blind. In fact, napakalinaw nga ng mata natin dito. Pero instead na tignan natin ng maigi at intindihin, pinipili pa rin nating tanggapin ang maling context nito, o kaya naman nag-bubulag-bulagan tayo sa tama - sa katotohanan.

Kaya tayo nagiging tanga sa pag-ibig dahil hindi natin ginagamit yung mga bagay na natututunan natin from our experiences or from others' experiences.

Yung parang instances sa buhay natin na sasabihin nila na mali, pero sa sarili natin iniisip at pinipilit pa rin natin na tama yun kahit na sa paningin nila, ito ay napakamali. Bakit? Kasi yun ang pakiramdam natin na tama.

Hindi porket masarap sa pakiramdam ibig sabihin nasa tama na. Tandaan natin yung katagang The Truth hurts. Ngunit hindi rin ibig sabihin nito na lahat na lang ng totoo at tama ay nakakasakit pakinggan o nakakasakit sa damdamin natin, o sa damdamin ng iba.

Ano ba ang tunay na happy ending pag-dating sa Pag-Ibig? Pano mo malalaman kung sya na ang happy ending mo? Honestly, wala sa akin ang sagot. Nasa sayo yun. Oo, ikaw. Yung mismong nag-babasa nito ngayon. Na sa iyo ang kasagutan sa tanong na yan.

Para sa akin, ang meaning ng Pag-ibig is to give without expecting anything in return. Simple lang. Parang mga katagang:

"Kung talagang mahal mo ang isang tao, mag-titiwala ka at gagawa ka ng paraan para pagkatiwalaan ka rin."

"Kung feeling mo na wala ng pag-asa at susuko ka na, isipin mo yung rason kung bakit mo sya pinaglalaban."

"Yung tipong trust at love ang pinagkukunan mo ng lakas para manatili sa relasyong pinasok ninyong dalawa."

"Mas matatag ang relasyon kung si GOD ang FOUNDATION."

"Ayos lang mag-mahal, basta hindi mo kakalimutan na mahalin din ang sarili mo."

Comments