Selos: Dapat Ba Talaga?


     Isang factor yan ng pag-mamahal. Iyan ang kabaliktaran ng trust. Kapag nawalan ka ng trust sa taong mahal mo, SELOS settles in. After nyan, tampo, away, at possibly hiwalayan ang hantong nyan. Kaya kung ayaw mong mangyari yan, edi 'wag kang mag-papatalo sa SELOS.

     Minsan may mga pag-kakataon na akala natin na nasa tamang position tayo para mag-selos pero wala pala. ** [Isip-isip din kapag may time!]. At kung nakatitiyak ka naman na may karapatan ka talagang mag-selos, still, think twice. Yung iba kasi, super mag-hinala, kaya naiisip tuloy ng kasintahan nila na hindi sila naniniwala sa pag-mamahal ng mahal nila. Di ba ang saklap non?! 

Yung iba naman, sinusubukan nila yung boyfriend/girlfriend nila - Oo, yung mga nag-papaselos jan! Kayo pinapapatamaan ko! Hindi nyo ba alam na dahil sa kagagawan nyong 'yan, na minsan nami-misinterpret yan ng jowa nyo? Hindi nyo ba naiisip na dahil jan sa ginagawa nyo, na-uudyok nyo ang jowa nyo na sumama na lang sa iba? Believe me, not all people are going to put up with your tests. Hindi lahat kayang tiisin yun. Hindi lahat matatag sa mga ganyang bagay. Bakit? Hindi ko alam. Baka previous experiences. Or baka ayaw lang talaga nila ng sakit ng ulo. Kaya kung ako ikaw, itigil mo na yan!

Ang tamang paraan, sabihin mo sa kanya ang lahat ng nararamdaman mo. Tanga na lang talaga sya kung hindi sya makikinig sa sasabihin mo. Go! Maayos nyo pa relasyon nyo! :)

Tiwala at tamang diskarte lang yan. Have faith. At kung sa tingin mo parang kulang pa din, then pray. Di ba ang turo sa atin nung bata tayo hanggang ngayon, humingi tayo ng tulong sa itaas? Then do it. Hindi ka Nya pababayaan. :)


** - May sariling chapter to abangan nyo na lang ;)

Comments