Ano ang Happy Ending mo?
Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay kailangan mo ng may matatawag ka na special someone sa buhay mo. Meron ding instances sa buhay natin na hindi darating yun kahit anong hintay at lupasay pa ang gawin natin. Alam mo ba kung bakit? Kasi baka may iba pang mga bagay na kailangan mo na pag-tuunan ng pansin. Pwedeng sarili mo, pag-aaral, family, career, or kung ano pa man ito. Hindi mo mapipilit na mag-karoon ka ng mala-fairytale na happy ending. Its just not possible. There are elements that play a huge part of having the "perfect relationship" that you are looking for. Unang-una sa lahat, TIME.
Nasa tamang panahon ba ang hinihiling mo? Baka naman may gatas ka pa sa labi tapos perfect jowa kagad hinahanap mo. Nahiya naman ako sayo! Kung ganito ang situation mo, ang suggest ko sayo, mag-aral ka muna! Bata ka pa! Ni-hindi mo nga magawang mag-laba ng sarili mong damit tapos nag-hahanap ka na kagad ng papa? Hello! Ayos ka lang ba? Kung ako ikaw, mag-aaral muna ko. Strive for the best education! Gawin mo ang buong makakaya mo para makapag-tapos ka sa pag-aaral. Napaka-competitive na ng mundo ngayon alam mo ba yon?! Kung ang alam mo lang gawin ay mag-balat ng patatas, sa tingin mo giginhawa buhay mo? :(
O baka naman ikaw yung nasa situation na lahat ay nasa karapat-dapat na nilang position, at pag-ibig na lang ang hinihintay mo. Kung ikaw ito, I guess it's time to make a move and do the landi jives na para mapansin ka ng opposite sex :) Pero also don't forget, wag mo silang hahabulin. Dapat ikaw ang hinahabol nila. Ang sarap ng feeling no? Wala ng hahadlang kasi nasa tamang edad ka na, pinu-push ka na ng family mo na mag-hanap ng jowakis, at na-build up mo na ang mga dapat i-build up sa buhay mo.
Ano ba talaga ang mako-consider na Happy Ending? Ito ba yung tipong mala-Cinderella ang ending ng story? Ito ba yung parang fairytale ang dating sayo? Meron ba talagang ganyan? Siguro... Pero sa tingin ko, walang perfect story. Walang perfect love. Walang perfect couple. At, gaya nga ng madalas nating sinasabi, walang perpektong tao.
So ano ba talaga ang happy ending???
Ikaw, sayo, ano ba ang definition ng happy ending mo? Yun ba yung tipong kahit hindi kayo perpekto, basta laging magkadamay sa lahat ng bagay at pag-subok na dumating sa buhay nyong dalawa. Yun bang walang iwanan. Yung kahit awayin ka nya, hindi ka magagalit sa kanya at uunawain mo rin yung sitwasyon.
Ang happy ending hindi kailangan na ubod ng saya. Matatawag mo pa rin namang happy ending kung wala kang jowa pero masaya ka kasi kasama mo ang mga dabarkads at ang pamilya mo di ba. Kung saan ka nakukuntento at nasasabi mo sa sarili mo na hindi mo na "Kuntento na ako", this is your happy ending.
Ganda ng blog na ito! iyong tipong NAKARELATE ka at RAMDAM na RAMDAM ko yung emosyon mo na hinugot mo talaga sa KAILALIMAN o KAIBUTURAN ng PUSO mo ang galing talaga! Keep it up and more powers to you! Good Luck! :D
ReplyDeleteThank you po sa papuri! :D
Delete