Pagsuko: Kelan ba dapat?
Hindi naman talaga maiiwasan ng bawat mag-karelasyon na mag-away at magka-tampuhan. Part na kasi yan ng building up para humantong ang relationship sa isang matibay na pag-sasama. Pero kung dumadating ka na sa point na puro lungkot, hinagpis at galit ang naramdaman mo at hindi saya; kapag ginawa mo na lahat ng dapat mong gawin para ayusin at ibalik sa dati ang pag-sasama nyo, pero walang nangyayaring pag-babago? Eto na yung time para ipa-realize mo sa kanya na you are worth more than this crap na pinapadama nya sayo. Wag kang matakot na tapusin ang relasyon nyo, simply because sinasabi mo sa sarili mo na "Hindi ko sya kayang mawala sa buhay ko!"
Huwag mo akong tapunan ng mga kaartihan mo. Kaya mo yan! Kinaya mo naman nung hindi pa sya dumadating sa buhay mo di ba? Kaya I'm sure na kaya mo rin yan. Ang problema kasi natin, hindi natin matanggap yung realidad na lahat ng tao sa buhay natin ay darating at aalis din. Walang taong permanente sa buhay natin. Maski nga mga magulang mo di ba.
Habang maaga pa; habang hindi pa malala, bitawan mo na. Huwag mo ng paabutin sa puntong sinasangla mo na kaluluwa mo sa demonyo kapalit lang na maging maayos kayo. Wag mo na rin sya ilapit sa babaylan na nakatira pa sa kabilang bario para lang bumalik ang himig ng pag-ibig nya para sayo. Kung ubos na talaga yung pag-mamahal nya para sayo, then it's better to respect yung decision nya and just move on.
Alam kong mahirap tanggapin, pero kailangan. Isipin mo na lang na mas may deserving pa na maka-tatanggap ng pag-mamahal mo kesa sa kanya na dinaig pa ang bato sa tigas ng damdamin. Pero kahit gaano man kahirap ang pinagdaraanan mo ngayon, isa lang ang masasabi kong totoo -- magiging masaya ka rin.
"Leaving someone when you love someone is the hardest thing to do when you love someone as much as I love you."
Mahirap, kasi hindi mo ganun kadali na maisasantabi ang pag-mamahal mo sa taong minahal mo ng buong pag-katao. Hindi naman kasi ganun kadali na mag-"UNLOVE" ng taong naging malaking parte na ng mundo at buhay mo. Pero kailangan kayanin. Kahit gaano pa yan kasakit. Hayaan mo, darating din ang taong magbibigay ng sobra-sobrang pag-mamahal sayo. Yung nararapat na makatanggap ng pag-mamahal mo. Yung hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Yung maa-appreciate nya lahat ng effort at pag-mamahal na nilalaan mo para sa kanya. At higit sa lahat, hinding-hindi nya ipaparamdam sa iyo na hindi ka balewala para sa kanya. Darating yan. Wait ka lang.
Comments
Post a Comment