LDR: Isang Matatag Na Relasyon

"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"


     Para lang ito sa mga taong matatapang. Yung tipong sobra na silang nahihirapan at nasasaktan, pero patuloy parin silang  lumalaban at walang sawang naghihintay kahit gaano man katagal hanggang sa muli nilang pagkikita. Yun bang halos mabaliw na sila sa sobrang pagkamiss, yung tipong gusto na nilang lambingin pero hindi nila magawa kaya iniiyak na lang nila at pipilitin nilang kayanin. Sobrang hirap man, hindi pa rin sila bumibitaw kasi naniniwala sila na may patutunguan ang lahat ng pag-papagal nila. At sa kabila ng lahat, pinipilit parin nila na maging matatag. Kasi mahal na mahal nila ang isa't isa.



     Para din ito sa mga taong marunong makuntento. Na kahit marami silang pwedeng makita na mas lamang pa sa kanila, hindi parin nila niloloko taong mahal nila, Na kahit pwede din nilang iwan o ipagpalit sila sa iba dahil sa milyang distansya nila, hindi parin nila ginagawa dahil alam nila ang salitang KUNTENTO

     Yung bang marinig lang nila yung boses ng mahal nila sa phone o di kaya’y makita lang nila sa webcam, masaya na sila. Nabubuo na ang araw nila basta’t nakakausap lang nila ang mahal nila. Yung natitiis nila na walang physical contact, walang yakap o maski halik basta naipaparamdam nila parin sa puso ng mahal nila yung pagmamahal, sapat na yun. Ganun nga talaga siguro, mahal nila eh, mahal na mahal.

     TIWALA lang naman talaga kelangan sa isang long distance relationship. Dahil sa tiwala pa lang na maibibigay nila sa kabila ng sobrang layo ng agwat ng distansya nila sa isa't isa, maipaparamdam nila na kung gaano nila kamahal ang bawat isa. At dapat meron din na nakalaang oras sa kanila araw araw. 

     Oo, araw araw. Dahil sa malayo sila sa piling ng isa't isa kaya kelangan nilagg iparamdam na nandyan sila at gusto nila na maging parte ng araw ng mahal nila. Siguro sa sitwasyong ganito, pwede mong sobrahan ang pagmamahal mo. Para siguradong aabot ito sa kanya lalo na’t kung dagat ang pagitan ninyo.

Tiis tiis lang. Sabi nga nila: 
"Good things happen for those who wait"

Magiging okay lang din ang lahat. I’m sure, it is worth the wait.

Comments