Pansinin mo naman ako..


I promise that this will be the last senti post sa taong ito! :))) Nasosobrahan na sa kaka-senti eh..


Pansinin mo naman ako,
Ginagawa ko naman lahat-lahat
Ang i-hele ka hanggang sa makatulog,
Ang ihanda ang mga gagamitin mong gamit,
Ang paalalahanan ka araw-araw,
Ang mahalin ka ng walang kundisyon,
Ang mag-sakripisyo para lang sayo.
Buong buhay ko ibinigay ko na para sa iyo.
Pero pawang hindi mo man lang naaaninag pag-papagal ko,
Yung totoo, ano ba talaga ako sayo?
Kasi sa akin, ikaw ang buhay ko.
Ikaw ang mundo ko.
Ikaw ang kaligayahan ko.
Ikaw ang mahal ko.

Ang tanging hiling ko lang naman ay maging masaya tayo,
Na makita mo ang mga efforts ko para sayo,
Kahit simpleng "Thank you" at "I love you too" lang
Basta ipadama mo rin sa akin na mahalaga ako sayo.
Nakakapagod na din kasi magisip na 
Balang araw magiging okay din ang lahat
Kung wala naman talagang usad ang sitwasyon.

Oo, mahal kita,
Oo, ikaw lang ang nag-iisa
Ginagawa ko ang lahat para sayo
Pero sana wag mo namang hayaan
Na maubos na ang pasensya ko para sayo.
May hangganan ang pasensya ko
Kasi tao lang din naman ako, nasasaktan din
Kaya sana naman maayos pa natin to,
Kasi mahal kita at ayokong lubayan ka.
Pero kung ito ang nararapat para di na ko mag-dusa,
Gagawin ko.
Kahit gaano kahirap
Kahit gaano kasakit,
Kahit gaano nakakapanghinayang,
Gagawin ko.



So ito na din siguro ang huling post ko sa taong ito. Salamat guys sa walang humpay na pag-babasa ng mga entries ko whether nakaka-relate man kayo o hindi. O kaya naman nakatambay sa blog ko dahil sa playlist ko o kaya naman kasi tinititigan nyo profile picture ko at iniisip paano kaya kung naging girlfriend nyo ako. HAHAHA joke lang! :P Anyways, para sa inyong nagse-celebrate ng pasko jan, mag-celebrate lang kayo hindi ako babati kasi Iglesia ako hehe.. At Happy New Year na din! Mang-hikayat pa kayo ng iba pang taga-basa ng blog ko para masaya naman ang buhay please :P

PS: At kung hindi nyo pa po napapansin, obsessed ako sa Vocaloids lalong lalo na kay Luka Megurine hihihi. Kaya ang 3rd to the last at this entry ko, merong Luka Megurine inspired picture :)

Comments

  1. Tama... dont waste time.. enjoy life. Bata ka pa... test the water ika nga... marami dyan... makakakita ka ng taong para sa iyo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha ate Lala para kay Justin po :))) angkop na angkop sa para sa kanya lol

      Delete

Post a Comment