Love is like Tagu-taguan..

Hindi biro ang mag-hintay.
Hindi din biro ang mag-mahal.
Minsan,  naiisip mong kuntento ka na sa kanya.
Pero ang totoo, pinadaan lang pala sya sa buhay mo.
   
             Ngunit kahit ganyan ang kapalaran mo, wag ka sanang panghinaaan ng loob at mawalan ng pag-asa. Gumagawa naman ang diyos ng paraan para makita ka o makita mo ang taong hinahanap at inaasam-asam mo. Kaya kung ako sayo, huwag mong pangunahan ang diyos.
             
            Parang tagu-taguan lang kasi ang sistemang ito eh. Ikaw ang taya since ikaw ang nag-hahanap. Tapos sya yung nag-tatago. Ngayon na hindi mo sya makita, si God ang gumagawa ng paraan para mapalapit sya sayo. Para maging mas madali ang pag-hahanap mo. 
                 
               But then siguro nag-iisip ka na sa tagal-tagal mong nag-hahanap, ni hindi mo pa rin sya nakikita at halos na sa sitwasyon ka nang gusto mo nang sumuko -- don't! He/She is waiting for you! Baka hindi pa lang talaga time. Wag kang mag-decision for the sake na makikibagay sa maraming tao sa paligid mo. Kasi kung nag-madali ka, for sure, that person will not be the one na talagang meant to be para sayo.
                
               Kaya lang din, naisip ko... Ang pag-ibig ay puno ng napakadaming uncertainties. Kaya yung larong taguan. Ikaw na ang taya, nakapiring ka pa! Oh, saan ka pa? Mahirap na ngang mag-hanap, mas do-doble pa ang hirap kasi hindi mo alam kung sino ang mahahanap mo. Kung sya na ba talaga yung hinahanap mo o hindi. Hindi ka makaka-siguro kung yun na ba yung itinadhana para sa iyo. 
                  
               You know, minsan, yan talaga ang kinaganda ng pag-ibig. Dahil sa dinami-dami ng taong pwede mong makasalamuha sa mundong ito, marami kang matutunan sa kanila. May mga bagay kang malalaman na dapat gayahin, may mga bagay din naman na hindi dapat tularan. Kaya dapat enjoy lang! Ang sarap sa feeling ng umibig sa totoo lang. At kung masaktan ka, umiyak ka. At kung nalabas mo na ang lahat ng sama ng loob mo, punasan ang mga luha at bumangon ulit. Life is too short para mag-emote ka sa isang sulok ng kwarto mo dahil lang sa kanya. Kung wala na kayo, for sure hindi sya ang itinadhana sa iyo. Wag na aksayahin masyado ang oras at tuloy lang ang buhay.

Comments