Paano kung ...

     So heto ka, kakagaling lang sa matinding pag-subok na break up na halos ikamatay mo ang pag-lukluksa sa pag-kawala nya sa piling mo. Ubos na ubos na ang pag-mamahal at pag-asa mong mag-kakabalikan pa kayo nang dahil sa iba ang pinili nya. Tanggap mo na ang lahat-lahat ng nangyari at handa ka nang mag-move on para sa ikasasaya ng buhay  mo ngunit bigla syang lumapit sayo...




"I'm sorry. Pinag-sisisihan ko ang lahat ng ginawa ko. Na-realize ko na hindi pala ganun kasaya ang buhay ko simula nung mawala ka. Akala ko kaya ko. Akala ko magiging mas masaya ako sa piling ng iba. Pero mali ako. Bumalik ka na sa akin please. This time I promise you, hindi na kita paiiyakin. Hindi na kita sasaktan. Hindi na kita iiwan." 

       Maaantig ka ba ng mga salitang sinambit nyang pawang galing lahat sa kaibuturan ng kanyang puso? Sa kabila ng lahat ng ginawa nyang pam-bababoy sa pag-ibig mo sa kanya, sa lahat ng ginawa nyang hindi man lang makatarungan, sa tingin mo, matatanggap mo ba ulit sya bilang kasintahan mo? Baka naman may tiwala ka pang natitira para sa kanya? Maibabalik mo pa ba ang dating buwis buhay na pag-mamahal mo para sa kanya sa kabila ng lahat ng ginawa nya sayo?

       Sa likod ng isipan mo, mayrong pala-isipang laging gumagambala sa iyo. "Pag-bigyan mo na sya." "Malay mo, talagang pinag-sisisihan nya na lahat ng ginawa nya sayo." "Sige na, happy ending na to this time around." Pero kahit ano pang pagiging positive ng pag-iisip mo para sa kanya, mas nangingibabaw pa din ang sakit at galit sa puso mo na iyong natamo dahil sa kanyang pag-tataksil sayo. Kung ang isip at damdamin man ay makalimot, hinding-hindi mo makakaila ang mga sugat na nasalo ng puso mo sa kanya.

       Oo, alam naman natin na sinugal mo ang lahat para sa kanya noon. Pero ngayon, iba na. Umayaw ka na kasi gusto mo nang maging masaya. Kasi ayaw mo nang umiyak at masaktan. Kasi mas pinili mong mahalin ang sarili mo kesa sa kanya na hindi naman napapansin lahat ng pag-papagal mo sa kanya.

        Kung ayaw mo nang tuluyang masaktan, hayaan mo na lang sya. Wag ka nang umasa sa mga pangako nya. Nakita mo ang sarili mo nung kasama mo sya, nakakaawa. Pero ngayon na natuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, mas nakikita mo ang diperensya. Wag ka nang umasa sa kanya. Tama na. Wag nang tanga. Meron pang mas karapat-dapat na nakalaan para sayo.

         Ganito na lang isipin mo ok. Naka-move on ka na. Tapos na ang hell days mo. Babalik ka pa ba dun kapag niyaya ka ulit? Tanga mo naman kung oo. Matuto po na madala please lang.

Comments