Mahal Ko O Mahal Ako?


"Sino ba ang dapat kong piliin? Yung mahal ko pero hindi ako mahal? O yung nag-mamahal sa akin pero hindi ko naman gusto? Please help po :( "

      Eto oh. Blade. Laslas ka na. Joke lang. Alam ko yang pinagdadaanan mo. Dumaan na din ako sa ganyan. Gusto mong malaman kung ano ang pinili ko sa kanilang dalawa? Wala. Wala, kasi ayokong masaktan. At ayokong makasakit. 

        Sa papaanong paraan ba walang nasasaktan? Ganito yan... Kapag pinili mo si Boy na mahal ka, pero hindi mo mahal dahil sa dahilan na ayaw mong masaktan ang feelings nya -- at kapag nalaman nya itong reason mo -- ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nya? Ikakatuwa kasi niligtas mo feelings nya sa pait ng rejection? MALI! Isang malaking kalokohan yan. Hindi mo sya prinoprotektahan. Tinuruan mo lang sya na maging duwag at maging bulag sa katotohanan! Sa tingin mo, sinong tao sa balat ng lupa ang matutuwa sayo kapag dinaya at niloko mo lang sila sa kabila ng sincere actions nila para sayo? Di ba wala naman. Tsaka baka mas lalo pa syang mag-damdam kasi akala nya "nag-mamahalan" talaga kayo.

       Kaya kung kinakailangan ng rejection, ibigay mo iyon. Wag mong ipagkakait sa kanya. Rejection is not the sweetest thing, alam natin yan. Pero its not always a punishment; rejection can also be a lesson para sa kanila.

"So dapat ko bang piliin yung mahal ko pero hindi naman ako mahal?"

        Alam mo, kung yan ang pipiliin mo -- I'll be honest with you -- para kang kumakausap sa isang poste. Kahit anong pag-lulupasay ang gawin mo, hindi ka mapapansin. Tsaka isa pa, gusto mo ba na piliin ka nya pero iba naman ang laman ng puso nya? Ang saklap nun! Kung iba na ang gusto nya, mag-paraya ka na lang. Kaya ko sinabi na mag-paraya ka kasi mas pinili nya na yung iba kesa sayo sa kabila ng lahat ng efforts mong mapanatili sya sa tabi mo. Tama na yun. Nahayag na ang true feelings nya, and the best you can do is to accept na lang. Kasi hindi naman sya pupunta sa iba kung mahal ka pa nya di ba? :(

        So kesa sa pag-pilitan mo ang sarili mo sa kanya, at kesa manloko ka pa ng iba, mas maigi pa na wala kang piliin sa dalawa. Kasi kung iisipin mo talaga ng maigi, ikaw ang luge kahit anong piliin mo di ba? Hayaan mo, meron namang iba na nakalaan para sayo at in this case, wala sya sa dalawang nailathala natin sa discussion. So wait mo na lang sya ha? Darating yun.


So Summary:


  • Wag mong ipag-siksikan ang sarili mo sa taong hindi ka mahal. Mag-ala Elsa ka na at mag Let it go.
  • Wag ka mag-mamahal ng taong hindi mo naman talaga mahal. Kasi hindi mo lang niloloko ang sarili mo, kundi pati yung mismong nag-mamahal sayo ang niloloko mo.

Comments