Kaartihan mo, Ilugar mo!
"Ang mga babae, sadyang maarte yan. Kung mahal mo sya, dapat mahalin mo rin ang kaartihan nya." -- Papa Jack
Yes. Tama. Kasi ang kaartihan nya ay parte ng pagkatao nya. Kung hindi mo tanggap yun, hindi mo masasabi na tnaggap mo buong pagkatao niya. Kaya kung mahal mo talaga siya, kailangan mong mahalin ang lahat ng mga katangian nya.
At kung ikaw naman si Girlie na maarte. Aba, Ayos lang yan! Ang mga babae -- kahit sino -- ay may kaartihan. Hindi lang siguro halata sa iba, pero meron yun.
But anyway, eto ang paalala ko para sa iyo Girlie. Hindi dahil sa tanggap nya kaartihan mo ibig sabihin lalaki na ulo mo at magiging MAS MAARTE ka na. Keep in control. Ilagay mo yang kaartihan control settings mo sa "as low as possible". At please lang po, wag kang exaggerated sa mga bagay na hindi kinakailangan na i-emphasize ng bonggang-bongga, lalo na kung hindi naman talaga sya big deal. Kasi, kung masyao ka nang exaggerated, hindi lang ang boyfriend mo ang maiinis sayo, kundi pati ako -- to the point na mag-kakasundo kami ng jowa mo na itapon ka sa dagat para kainin ng dikya sa ilalim.
Anyways, if you want to make a point, say it in the most appropriate way na hindi kailangan ng too much attitude. Kasi minsan ang attitude/kaartihan ang nakakasira ng thought na gusto mong iparating. At instead na maintindihan nya yung point na gusto mong i-sound out, ang nangyayari is lalo pa kayo nagkakaroon ng mga miscommunication -- Soooooooo, pakilugar lang po please. Yun lang po. Bow.
Comments
Post a Comment