Piece of Advice

Tayo ay matuto,
Na sa bawat pag-kakataon,
Hindi laging sila ang pinag-tutuunan ng atensyon.
Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay dapat tayong mag-paraya para sa iba.
Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay sila ang dapat na inaalala.
Hindi sa lahat ng pag-kakataon ay inuuna natin sila.

Nasaan na ang kahit kauting oras?
Nasaan ang para sa ating mga sarili?
Huwag nating kakalimutan na tuunan ng pansin ang sarili natin.
Dahil sa atin nag-sisimula ang lahat.
Lahat ng magagandang bagay
Na pwede natin maidulot sa ating kapwa.
Para saan pa't tumutulong tayo at nag-papayo
Kung ang sarili nating mga problema ay hindi man lang natin mabigyan ng hustisya.

Huwag matatakot mag-santabi ng oras para sa ating mga sarili.
Hindi tayo nagiging maka-sarili sa ganitong pamamaraan.
Matuto tayo na mag-pahinga
Nang sa gayon ay mas maging malakas pa tayo para sa kanila.
Hindi ba iyon naman ang gusto natin,
Ang maging sandigan nila?
Ang maging sandalan at takbuhan nila
Sa tuwing ang mga problema ay nag-babadya na?

Kaya kapit lang.
Kung gusto mo na sa bandang huli ay mag-bunga ang iyong gawa ng malaki,
Alagaan muna natin ang ating sarili
Bago ang nakararami.
Panatilihin natin ang ating katinuan
Bago unahin ang sang-katauhan.

Comments