Kahit Hindi Na Pwede

Alam ko hindi na pwede.
Pero kahit ganito, umaasa pa din ako.
Umaasa pa din ako na kahit sa mga simpleng paraan man lang,
Maramdaman kong malapit pa din ako sayo.
Dahil ang totoo kasi niyan,
Na sa iyo pa rin ang puso ko.

Alam kong hindi na pwede,
Dahil sinabi mong kalaban natin ang mundo.
Hindi lang ang mundo
Mga bagay sa tubig, sa hangin, at sa lupa ay humahadlang
Wag lang mag-karoon ng tayo.

Ang sakit man isipin,
Mahirap man tanggapin.
Kahit anong gawin ko,
Ikaw pa rin laman ng puso't isipan ko.
Patuloy na kinikilos ang mga dating gawain.
Parating iniisip kung ika'y nakakain,
Kung ika'y nakatulog ng mahimbing at kung ika'y malusog pa rin.
Masakit man isipin,
Pero kailangan natin isipin at tanggapin...
Na hindi na pwede.

Hindi na pwede 'di dahil meron ka nang iba.
Hindi na pwede 'di dahil nawalan ka na ng gana.
Hindi na pwede dahil hindi na ikaw yung dati, yung unang minahal ko...
Kasi sabi mo na sa araw-araw na tumatakbo,
Di sya nag-sawang ipaalala ang lahat-lahat sa iyo.
Hindi ko rin namalayan na sa bawat minutong lumilipas,
Unting-unti ka na nya sa akin ay pinipilas.
Pero wala akong magawa...
Wala akong magawa, dahil pinili mo sya.
At kailangan kong respetuhin ang desisyon mong mas mahalin sya.
Sya na pinaka-makapangyarihan sa lahat.
Sya na lumalang sa langit at lupa.
At sya, na sa muli, sayo ay nag-paunawa.

Oo, mag-kaiba tayo ng paniniwala.
Kaya kahit masakit, kailangan ko pa rin na mag-tiwala,
Mag-tiwala sa desisyon mong unahin ang responsibilidad
At harapin ana kailangan natin mamuhay sa realidad.
Ang realidad na hindi tayo pwede mag-sama
Hindi dahil sa sabi ng mga tao sa paligid natin na tayo'y mag-kaiba,
Bagkus dahil ang sabi mong "Ito ay ang utos ng Ama"...

Kaya mahal,
Palagi mo itong pakatatandaan.
Lahat ng aking ipinangako
Kahit na hindi na pwede ay hindi pa din mapapako.
Tutupad pa rin ako sa ating sumpaan
Na kahit sa malayo ay hinding-hindi kita pababayaan.

Comments