Panaginip
Sa panaginip ko
Ika'y nakikita.
Ika'y nahahagkan at nakakasama.
Sa panaginip ko, ang saya nating dalawa.
Pero ang lahat ng ito, hanggang panaginip na lang talaga.
Hanggang panaginip na lang lahat.
Dahil kapag ang panaginip ay natapos na,
At kailangan nang bumangon sa umaga,
Kailangan na natin harapin ang katotohanang...
Hindi talaga pwede maging tayong dalawa.
Hindi pwede maging tayong dalawa...
Di pwede dahil di kita kayang maabot.
Dahil sa tuwing lalapit na lang ako,
Meron at meron pa rin palaging salot.
Kaya kahit may nararamdamang puot sa di magawag pag-lapit,
Hindi ko rin naman magawang ipilit.
Kaya wag na lang...
Wag. Na lang.
Maiigi nga sigurong sa panaginip na lang kita
Nakikita ng malapitan.
Dahil dito, kayang-kaya kita iduyan.
Iduyan sa init ng aking bisig.
Iparamdam sayo ang pag-mamahal na
Kahit sino man ay imposibleng maisip.
Dito, kaya kitang mahalin
ng mas matayog pa sa mga pangarap mo.
Dito, kaya kong ibigay
ang mga pangangailangan mo.
Kasama na doon ang pag-mamahal...
Ang pag-mamahal ko sayo.
At magagawa na nating tuparin yung kunseptong "tayo".
Pero, heto na, nag-papaalam na si buwan at handa nang sumapit si umaga.
Nasisilayan na ni araw ang aking mga mata,
Sabay na sabay ang salubong ng bukang liwayway
Sa iyong biglaang pag-kaway...
Lahat ng nasa panaginip ay unti-unting nag-lalaho,
Unti-unti ka nang lumalayo.
Ang realidad ang nag-paparanas sa akin kung ano ang totoo,
Na sa aking panaginip, dito mo lang kayang sabihin
Na mahal mo rin ako.
Pero kahit na hanggang sa panaginip na lang,
Nais ko pa rin masambit sayo man lang.
Ang lahat ng nadarama
Ang lahat ng pala-isipan...
Doon sa aking panaginip, sa aking tinakdang tagpuan,
Ako'y aasa, ako'y mag-hihitay. Di ako lilisan.

Comments
Post a Comment