Lihim Na Pag-tingin by Franxe Lopez

Ako yung tipo ng taong madaling maniwala
Sa mga bagay bagay..
Ako din yung tipo ng taong madaling mahulog sa pag-ibig...
Mahal, sa mga araw na dumaraan,
Hindi ko mapigilan na ikaw ay mahalin.
Alam kong mali ang naradama kong ito.
Subalit ikaw ang idinidikta ng puso kong lito.

Hindi lubusang maisip
Kung papaano ako tuluyang nahulog sa iyo.
Nangyayari ba ito dahil gusto ko?
O may dahilan ang Diyos kaya nangyayari ito?
Anoman ang dahilan nito,
Mahal, iyong pakatatandaan na kahit walang tayo,
Mananatiling ikaw at ako sa isip at puso ko.

Mahal, ako'y iyong patawarin.
Sapagkat ika'y aking mamahalin
Ng patago at hindi mo nalalaman.
Gabi-gabi ako'y naka-tapat...
Naka-tapat sa harap ng salamin
At nag-eensayo ng mga sasambiting nais maipagtapat na dapat.
Ngunit Mahal, hanggang ensayo na lamang ang aking kayang gawin,
Hindi ko kayang ika'y harapin at sayo ito ay sambitin.

Mahal, nais kong sa iyo ay ipaalam.
Na ikaw ang dahilan na sa umaga ay ngumingiti,
At ikaw din ang dahilan ng pag-iyak ko sa gabi.
At kung umiyak man ako,
Hindi ko ito isisisi sa iyo.
Sapagkat napapasaya mo ako sa bawat araw na ikaw ay kasama ko.
Masakit man sa akin,
Ikaw ay may kasamang ibang tao.
At ito ay tinatanggap na lang
Sapagkat wala akong karapatang mag-selos
Dahil sa simula pa lang ay wala namang tayo.
Mahal, minsan gusto ko nang sumuko...
Sumuko na mag-mahal sa iyo.
Subalit hindi ko ito kayang ganun na lang isuko,
Ikaw ang taong inspirasyon ko
At nag-bibigay kulay sa bawat araw ko.
Bahala na si Batman, Superman at si Wonderwoman sa aking pag-amin.


Mahal, ngayon ako ay nag-lalakas loob na sa iyo ay ipaalam.
Ipaalam ang tunay kong nadarama,
Anoman ang maging kahinatnan ay aking tatanggapin.
Sapagkat ang pag-ibig ay parang sugal
Na kailangan tumaya ng walang kasiguraduhan na mag-wawagi ka sa huli.

Comments