"Salamat at Nagmahal Ako" by Franxe Lopez

Ang pag-kakataong pinahiram
Maaari bang angkinin?
Mga ala-alang tatangayin,
Palayo sa baybayin.
Kung saan pinapangako natin
Sa kinabukasang haharapin.
Ika’y akin pasasalamatan
Kahit ako ay nasasaktan
Ikaw ay di kalilimutan.

Sa puso man at isipan
Salamt at nag-mahal ako
Kahit ngayo’y nasa kabilang dako,
Pangako man ay napako,
Ako man ay iyong niloko,
Nagpapa-salamat pa rin ako
Na maaga mong pinakita ang dulo.
Nang hindi na ako umasa pa
Ng kasalang gaganapin sa pulo
Na maraming bisitang dadalo
Sa simula hanggang dulo.

Pero ito'y di mo iningatan
Nas mas pinili mo akong iwan.
Na basa na lang pinabayaan
Nang walang pakundangan
Nasasaktan ako pero
Di ito magiging rason para ako ay sumuko.

Ang simula ay makikita sa pag-tatapos
Puso ko man ay iyong ginapos
Sa alaalang kapos,
At pahinang malapit ng maubos.
Sa larawang kumukupas
Ang pag-ibig na inilaan ay walang katumbas
Salamat at nag-mahal ako
Nag-mahal ako kahit na nasasaktan
At nasasaktan dahil nag-mamahal.
Salamat.

Paulit-ulit na pero ako ay di titigil.
Hanggang sa masabi ko ang lahat
Hanggang sa maubos ang lahat ng letra
Hanggang mapunit ang papel na aking sinusulatan
Hanggang sa wala nang luhang lalabas sa aking mga mata
Hanggang sa mapagod ako...

Nakakapagod pero hindi ako titigil.
Uubusin ko ang lahat ng nasa isip ko
Papakawalan ko ang lahat ng salita,
Isisigaw ko ang nararamdaman ko
Hanggang sa masabi ko na ang lahat
Hanggang sa maubos ng lahat ng letra
Hanggang sa mapunit ang papel na aking sinusulatan
Hanggang sa wala nang luhang lalabas sa aking mga mata
Hanggang sa mapagod ako.

Comments

Post a Comment