Nandito Pa Rin Ako (Sa Araw Na Ito Part 2)

Hindi kita iiwan.
Kahit wala na 'yung dating tayo.
Kahit di na kita mahagkan.
Huwag ka nang malungkot,
Dahil nandito pa din ako.

Siguro nga hindi na ako yung
Palaging bubungad sa inyong pag-gising.
Siguro nga hindi na rin ako
Yung huli mong makakausap bago ka humimbing.
Pero kahit na wala na tayo,
Maipapangako ko pa rin sayo
Nandito lang ako.
Hindi ako lalayo.

Natatandaan mo ang mga pangakong walang hanggan?
Naaalala mo yung matatamis nating sumpaan?
Walang nag-bago. Walang mag-babago.
Mahal kita...
Mahal pa rin kita, kahit na hindi na ako pwede sa tabi mo.

Hindi ko magawang hilingin
Na sana hindi na lang kita minahal
Na sana hindi na lang kita nakilala..
Dahil sayo ko natutunan ang lahat.
Ang lahat ng alam ko ngayon.
Ikaw ang humubog sa kung sino ako ngayon.
Hindi ko kayang itanggi ang lahat.
Dahil ang totoo, sa kabila ng lahat ng sakit,
Mas matimbang pa din ang pag-mamahal ko sayo.

Naaalala ko yung mga sinabi mo sa akin dati.
Na kahit ayaw mo na, gusto mong ipangako ko pa rin sayo
Na hindi ako bibitaw.
Ngayon, tinutupad ko ang pangako kong ito.

Hindi ako aalis, hindi kita iiwan.
Hindi kita iiwan kahit iba na sitwasyon natin.
Kahit iba na ang tingin ng mga tao sa pag-mamahalan natin.
Hindi ako mag-sasawa.
Hindi..
Hindi ko kayang mag-sawa.
Hindi ko kayang mag-sawa dahil
Hanggang sa pinaka-huling hantungan nating dalawa,
Mahal na mahal pa rin kita.

Comments