Nangangarap Pa Rin

Lumipas na ang maraming oras.
Sa bawat segundong patuloy na dumaraan,
Hindi ko tumigil na mangarap.
Hanggang ngayon...
Hanggang ngayon, nangangarap pa rin
Na baka sakaling kapag masilayan ko ulit ang iyong mga mata
Baka maalala mo ang lahat,
At matandaan mo kung ano ang mga pangarap natin noon.
At balikan mo ako.

Hanggang ngayon, nangangarap pa rin ako.
Nangangarap pa rin na posible pa maibalik
Yung dating tayo.
Bago pa mangyari lahat ng masasakit na alaala.
Bago pa man tayo pangunahan ng mga pag-subok...
Nung bago pa sa pakiramdam natin
Ang saya, ang kilig,
Ang kunseptong mahal natin ang isa’t isa...

Kapag tayoy’y nag-kita ulit,
Hindi ako mag-dadalawang isip na yakapin ka muli
Ipaparamdam ko sayo ang pangungulila ko
Sa mga oras na nawala nung nag-kalayo tayo.
Ipaparamdam ko sayo na hanggang ngayon ay
Sabik na sabik pa rin ako...
Sabik na sabik sa pag-mamahal mo.
Pero...
Kapag nakita ba ulit kita,
Ganun din kaya mararamdaman mo?

Ako pa rin kaya ang mahal mo?
Sa tagal na ng panahon buhat noong naging tayo,
Nandyan pa rin ba ang pangalan ko na naka-ukit sa puso mo?
Ako pa rin ba ang laman ng mga panaginip mo
Tuwing sasapit ang gabi?
Ako pa rin ba ang nais mo makasama sa kabila ng dinanas nating
Mapait na pangyayari?

Kasi ako, oo.
Oo, nangangarap pa rin ako.
Oo, ikaw pa rin laman ng puso ko.
Sariwa pa rin sa isip ko kung paano mo ako minahal noon.
Sana...
Sana ganun pa rin tayo ngayon.

Comments