Skip to main content
Laban o Bawi
Baka hindi mo pa matanggap sa sarili mo na talagang wala na sya sa buhay mo. Baka heto ka na namang nag-bubulag-bulagan sa mga pangyayari at iniisip na sana isang masamang panaginip lang ang hiwalayan nyong dalawa. Masakit, oo , pero wala ka namang magagawa kung ganito ang naging desisyon nya, kung ito na mismo ang pinili nya sa kabila ng pag-mamakaawa mo sa kanya na wag kang lubayan.
Ano pa nga ba... Mas pipiliin mo bang patuloy na mahulog sa sarili mong ilusyon na maaayos pa din ang lahat kahit na nakikita mo na kasama nya ang iba araw araw. Na iba na ang may hawak ng puso nya, na iba na ang sinasabihan nya ng mga I love you at pinapangakuan. O mas pipiliin mong iiyak ang lahat. na mag-luksa sa kanyang pag-kawala sa buhay mo, pero pag-katapos ng lahat ay aayusin mo ang sarili mo at sasabihin mo na may natutunan ka sa naging relasyon nyong dalawa at mag-mo-move on ka na. Nasa sayo ang desisyon. Ayos lang parehas. Wala kasing short-cut sa pag-mo-move on. Lahat ng umibig ng todo at sagad-sagaran, dumadaan sa matinding pighati kung sakaling mawala nag mahal nila. Pero wag mo isipin na sayang ang lahat. Walang sayang kung naging masaya ka sa piling nya. Walang sayang kung naramdaman mong minahal ka nya nung mga panahong kayo pang dalawa.
Matapos mong ibuhos ang buong sarili mo para mapasaya mo sya na walang hinihinging kapalit. Matapos mong ipangako ang buong buhay mo sa kanya, na hinding hindi sya mag-sisisi na pinili ka nya, hindi kita masisi kung bakit hindi mo pa kayang mag-move on. Sana nga totoo ang sinasabi nila na "Time heals all wounds". Na sana sa pag-dating ng tamang panahon, gumaling na din ang mga sugat sa puso na dulot ng hiwalayan nyong dalawa. Kung ngayon na may nakikita ka pang natitirang pag-mamahal sa puso nya at alam mo sa sarili mo na kaya mo pang ipag-laban ang naudlot na pag-mamahalan nyong dalawa, ipaglaban mo pa din. Pero this time fight wisely.
Ang buhay, araw araw may pag-subok, nag-kataon lang siguro na mas malakas ng hagupit nito sa iyo ngayon, pero wag ka mag-alala. Kaya mo yan, kasi hindi nag-bibigay ang Diyos ng problema na hindi natin kayang lampasan. Kaya nga nandyan sya para hingan natin ng tulong kung sakaling kapos tayo sa mga pangangailangan din ba.
Lucky Club Casino Site in Ghana: 100% bonus up to - LuckyClub
ReplyDeleteLucky Club is an online gambling site which offers various types of casino games such as Slots, Blackjack, Roulette and other luckyclub casino games such as