Isang Tanong Isang Sagot #3
Paano kung ginawa mo na ang lahat, pero hindi pa rin niya tanggap yung sorry mo?
Sus. Iwan mo na. Ang mahalaga naman ay nakapag-sorry ka. Di ba? Wala na sayo ang bintang nun. Kapag hindi niya tinanggaop ang sorry mo, edi lamang ka sa kanya ng 1 point. Bakit kamo? Kasi ikaw, nagawa mong tanggapin yung nangyari, at ready ka nang mag-move on. Sya, hanggang ngayon nganga pa din kasi hindi pa rin nya tanggap yung nangyari..
Pero teka muna. Let's think of reasons kung bakit hindi nya matanggap ang sorry mo:
Number 1. Malala ang ginawa mo
Baka naman nakapatay ka na ng kapwa tao kaya hindi ka nya mapatawad. Aba eh ibang usapan na yan pare.
Number 2. Pabalang kang nag-sorry
Simply saying that you're sorry pero hindi naman nanggaling sa puso mo is never enough. Kaya ka nga nag-so-sorry kasi talagang gusto mong mapatawad at gusto mong mag-bago eh. Di ba nga..
Number 3. Nahihirapan siyang tanggapin.
Sa sitwasyong ito, ayos lang yan para sayo. It takes time naman kasi bago mag-hilom ang mga sugat di ba. Kung gaano katagal ang pag-hilom ay depende sa bawat tao. Hindi mo pwedeng madaliin to. Kaya give ample time para dun sa tao para matanggap nya. Darating din ang time na mapapatawad ka nya. Kung feeling mo hindi pa rin nya tanggap, move on ka na ate/kuya. Diyos na bahala mag-pasya sa puso nya.
Keep cool lang kasi wala nang mawawala sayo since nag-sorry ka na :)
Comments
Post a Comment