Isang Tanong Isang Sagot #2
"Dapat ba maging batayan ang itsura ng isang tao sa pag-mamahal?"
HINDI TUMITIBOK ANG MUKHA. ok? Kaya hindi ka dapat tumitingin sa mukha o sa panlabas na itsura ng isang tao. Dapat mainly ang ugali at personality ang tinitignan mo sa kanya. Pero let's be honest, lahat naman tayo minsan nang tumingin sa panlabas na anyo ng tao at ating ginamit ito na basehan kung karapat-dapat ba talaga nating mahalin ang isang tao. Hindi naman yun maiiwasan talaga eh -- maski ako aminadong ginawa ko na din to kaya hindi ako exempted.
Anyway, let's think of it this way, walang ginawang panget si God. Lahat tayo ay may kanya-kanyang magandang aspeto ng ating pagkatao. Yung iba pinagkalooban ng kagandahang loob, kagandahang ugalit, kagandahang personality, at, yung iba naman, kagandahang mukha.
Hindi ibig sabihin kapag maganda/pogi na sya ibig sabihin sya na ang Mr/Ms. Right mo! Mag-isip ka! Hindi lahat ng magaganda't pogi ay garantisadong mamahalin ka din nila. Pero wag ka mag-dread, kasi if ever na hindi ka nya tanggapin, it simply means na hindi talaga sya ang para sayo. Kung yun talaga ang batayan nya, iwan mo na sya. Hindi mo deserve ang mga taong ganyan.
"Pero mahal ko pa rin sya ..."Kung pinupuntirya nya appearance mo kahit na sinabi mo na feelings mo sa kanya, ehh let go na nga talaga. Kung bumalik sya sayo at pinapasok ka nya sa buhay mo, aba tol swerte mo! Most likely na-realize nya na hindi dapat looks ang batayan kaya you should make the best for this chance na binigay nya sayo. Pero kung hindi sya bumalik, edi move-on na lang. Hayaan mo, makakahanap ka din ng mag-mamahal sayo na hindi titignan ang mukha mo, kundi ang puso mo :)
Ito tandaan mo: Walang mukha ang pag-ibig. Everything is based sa feelings. Kaya hindi mo masasabing pag-ibig yan kung naka-batay lang ang lahat sa pag-mumukha nya. Ika nga ng best friend ko:
"Kapag nag-mahal ka dahil sa itsura at pananamit nya, ATTRACTION yan. Kung nag-mahal ka dahil sa maganda nyang katawan at makinis na balat, PAG-NANASA yan. Kapag nag-mahal ka dahil sa masipag at matalino sya, PAG-HANGA yan. Pero kung nag-mahal ka at hindi mo alam kung bakit, PAG-IBIG yan."
Dahil ang pag-ibig, may sariling dahilan yan na hindi natin basta-basta maiintindihan.
Comments
Post a Comment