2015 na!!! :)

       Una sa lahat, isang manigong bagong taon sa mga magigiliw kong taga-basa! Hope you guys enjoyed 2014 and are ready to look forward to 2015. Ambilis talaga ng panahon no? Nung simula ng taong 2014 single ka, tapos ngayong simula ng 2015 single ka pa din. HAHAHA joke lang.

           Maiba nga ng konti ang usapan, 2015 na ngayon! Siguro naman may mga achievements ka na kahit gaano pa kaliit yan :) Let's take our time to thank the ones who helped us to make our way to this point in our life. Kung wala sila, malamang wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon. Maiisip mo ba posisyon mo ngayon kung sakaling wala ang mga taong tumulong at sumuporta sayo? Ako I can't imagine my life without my main supporter, si God. :)

            So kahit sa isang saglit man lang ng taong ito pasalamatan natin yung mga tumulong at patuloy na tumutulong sa atin, maging magulang man sila, kaibigan, o si God. Makakapag-pagaan pa yan ng araw nila :)

                Para naman sa mga kapamilya at kaibigan, best friend at Mahal ko na walang humpay na sumusuporta sa akin, maraming salamat sa inyo! Salamat sa lahat ng tiwala, pasensya, at pag-mamahal na inilalaan nyo sakin. Kahit na minsan hindi ko pa rin sinusunod ang mga payo nyo sakin, hindi pa rin kayo nag-sasawa sa pag-papaalala sa akin. Salamat ng maraming marami! Salamat na din sa mga palaging nag-babasa ng blog ko at mga tumatambay para sa blog ko para sa music salamat sa inyo! 

Comments