Para sa mga Kuya

     Torpe is used to describe young men who do not know how to approach the girls they like. Sometimes, even an attractive man who is confident in other aspects of his life can be seen as "torpe" when it comes to women.


    
     Iyan po ang depinisyong ibigay ni Ginoong Google.

     Torpe. Ang dami nyan! Hindi lang halata. Walang lalaking sinsanto ang pagiging torpe. Kung ganyan ka, Lord please have mercy on you! Hahaha hindi joke lang. Sila yung mga taong nag-hihintay na pumuti ang uwak para masunggaban ang oportunidad na nakaharap sa kanila. Sila yung mga maraming pang idinadahilan kesa mag-take advantage kagad ng chance. 

"May pag-asa kaya ako sa kanya?"
     Tanga! Walang mangyayari kung hindi mo sa kanya sasabihin yan. Nangangarap ka na maging kayo at umaasa ka na kayo ang magiging magka-happy ending pero indi ka naman dumidiskarte? Eh anong kadramahan yan? Gusto mo ba na ibato ko itong mga plato namin sayo??? Pare... hindi mahuhulog ang bayabas sa puno kung hindi mo pipitasin. Hindi mo gets? Ibig sabihin, gumawa ka ng paraan para mapansin ka nya! Gawan mo ng paraan na makarating ang nararamdaman mo sa kanya!

     Sa pag-ibig, kailangan mong tumaya para malaman mo kung mananalo ka o matatalo ka. Isa sa  kagandahan ng pag-ibig ay -- gaya ng sugal na hanggang may datong ka -- hanggang may pag-asa, kaya, at capable, go go go lang.  Pero kung hindi mo susubukan kahit isang beses lang, pano mo malalaman?

     Ganito gawin mo. Mag-ipon ka ng lakas ng loob, tsaka mo itanong sa kanya: "Crush kasi kita eh. Kung manliligaw ba ako, may chance ba ako?" Tapos sabayan mo ng isa pang banat na tila rebuttal lang ang dating para hindi sya mabibigla. "Ayos lang naman kung hindi, pero sana ayos lang din sayo na maging mag-kaibigan tayo kung sakaling yun lang ang tingin mo sa akin." Sabay ngiti.

    Numero unong payo ko para sayo na kuyang mag-kukumpisal sa kinato-torpehan mo: Kailangan, galing sa PUSO ang mga sasabihin mo. Kasi balewala ang lahat kung puro salita lang at walang backup na feelings di ba? Para kang kumain ng tinapay na puro hangin ang nasa loob at tila nawawala ang masarap na palaman sa loob. 

     At ngayon pa lang, sasabihin ko na sayo na hindi ka magiging alikabok kapag hindi mo nagawa na mag-confess sa kanya. Wag ka kuya matakot. Oo, mawawala sayo yung chance mo, pero sana naman maging leksyon na sayo yun para sa next encounter mo sa pag-ibig. Matuto ka na harapin ang challenge head-on at hindi paligoy-ligoy. Facing the problem head-on may result to a better outcome ika nga nila eh. Kung no ang sagot nya, at least you were able to overcome yung takot na bumabagabag sa kalooban mo at alam mo na kung paano mo lulutasin ang problema mo. :)

     Oh, ok ka na? Alam mo na gagawin mo ha! Sabihin mo sa akin ang resulta both negative and positive!

Comments