Nang dahil sa pag-ibig...

Ano nga ba naman ang kaya nating gawin para sa taong mahal na mahal natin?

 

     Hindi lingit sa ating kaalaman na nawawala tayo sa sarili natin kapag inlove tayo. Hindi natin to napapansin, kasi ang pag-ibig kumbaga parang shot ng drugs yan eh. Ang tanging maiisip na lang natin is yung love natin; yung hindi natin mararamdaman yung nasa paligid natin kasi focused lang tayo sa isang bagay. Yung tipong masagwa na sa paningin ng iba, pero sige pa rin tayo ng sige kasi dito tayo nakakatagpo ng kaligayahan, kahit na nahihirapan tayo, basta ma-satisfy lang natin ang needs natin.

     So lets say nasa kalagitnaan tayo ng maligayang relationship tapos along the way, merong kasiraan na nangyari - I guess something like cheating or any sort of serious problem - feeling natin parang game over na ang lahat.. and it's not a pleasant feeling. Parang sa isang iglap, nawala lahat nung masasayang bagay sa paligid natin. Parang nagdidilim yung mga pananaw mo, and the worst, maiisip mo na pawang panaginip lang pala ang lahat-lahat.

     Sa tingin ko natural lang na ipaglaban natin ang mga bagay-bagay na meron tayo simply because we don't want to lose them forever. Pero up to what extent ka lalaban para sa kanya? Ano ba ang mga kaya mong gawin para sa taong mahal mo?

     It all depends naman sa atin kung hanggang saan natin kaya. May ibang sinusukuan kagad ang problema at hindi na naghahanap ng mga paraan para ayusin pa ang relasyon. Sila yung mga taong playing safe sa mga bagay. Ayaw nila masaktan kaya nag-iingat sila. Mayroon din namang iba na pursigidong itama lahat ng nagawang mali para maayos pa ang lahat between sa kanilang dalawa. Most of us fall in this category. Ayaw nating mawala sila sa atin kaya naman gumagawa tayo ng paraan. Meron din namang mga tao na halos maglakad sila ng paluhod sa asin if that's what it really takes para makamit nila ang inaasam nila, Aminado akong part ako nitong category na ito. Itong mga taong ito, they go crazy for love. Too much of it is bad, kaya dapat watch out din. 

 Sabi nga ni Bugoy di ba...

"Nang dahil sa pag-ibig, natutong mag-tiis
Nang dahil sa pag-ibig, nag-mahal ng lubos
Ang puso kong ito na di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko
Nang dahil sa pag-ibig, sunudsunuran ako
Sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig umiiyak ngayon ang puso ko"


Ikaw, nang dahil sa pag-ibig, ano ang kaya mong gawin, at natutunan mo dahil sa mga ginawa mo?

Comments

  1. I really like this entry! Damang-dama ko kasi this is what I'm going through right now. Sabi nila pag pag-ibig na ang humatol lahat kaya mong gawin at isakripisyo . As in LAHAT ,umuwi ng gabi,umalis ng bahay pag weekends kunwari may group project. Iilan lang yang mga yan na kaya mong gawin kahit mali o kaya bawal basta sa ngalan ng pag-ibig hahamakin mo ang lahat. Ang bawat pagmahahalan ng isang magkareslasyon, hindi puwedeng mawala ang pagsubok. Pagsubok sa kung saan ay sinusukat ang bawat isa; sinusukat kung hanggang saan ang hangganan ng pagmamahalan sa bawat isa. Sa ngalan ng pag-ibig, ika nga sabi nila ay “hahamakin ang lahat masunod ka lamang“. Pero ang tanong, hanggang saan ka nga ba? Masakit ang masaktan dulot ng pagmamahalan. Keep it up!! More power to you and God bless!! :D

    ReplyDelete

Post a Comment