Ang Tamang Daan?

     Sa pag-ibig, napakaraming daan. Mayroong daan na established at madalas na pinipili ng mga tao. Meron din namang daan na hindi gaano pinipili. May daang madali, meron din namang daan na mahirap daanan. At ang bawat daan na ito ay sumisimbolo sa desisyon natin pag-dating sa LOVE. 

     Walang maling desisyon sa pag-ibig. Kaya lang natin nasasabing "mali" siguro kasi may mga choices na hindi beneficial sa atin, o kung kanino man, kaya ito na yung tumatak sa isipan natin na "mali".

     
      "Nasa kamay mo ang iyong kapalaran"



     Very familiar di ba? Totoo yan. Ikaw naman talaga makaka-control ng destiny mo. Kapag lumandi ka ng maaga, for example, there's a possibility na hindi mo makakamit ang pangarap mo para sa sarili mo -- unless iyan talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo. :P

     Parang ganun din sa pag-ibig. For example, kung nalaman mong may iba sya, lalaban ka ba o susuko ka? Kung ba yung pinili nya, tatanggapin mo ba sya kahit na alam mong ganun nga ang ginawa nya? Ipaglalaban mo pa rin ba karapatan mo bilang kanyang unang ka-relasyon? Bibitawan mo ba sya at magmo-move on na lang? O di kaya naman tatahimik ka na lang sa isang sulok at mag-bubulag-bulagan sa katotohanan at pilit na iniisip na ayos na sayo ang ganun basta huwag lang syang mawala sa yo? 

     Life is a matter of choices. Uulitin ko, nasa iyo ang desisyon at ikaw ang may hawak ng kapalaran mo. Ang mga kaibigan mo nandiyan sila upang payuhan ka, pero lagi mong tatandaan, ikaw ang judge ng case. Nasa iyo ang final say sa buhay mo. Choose the smart choice where it will be beneficial for you in a positive way.


A/N: November na! Malapit na mag-bagong taon! Naka move-on ka na ba sa kanya? ;)

Comments