Isang Tanong Isang Sagot #1

"Tama ba na may maramdaman pa akong selos para kay ex kahit na nakapag-move on na ako?

      Isang tumatagingting na N-O. NO. Baket? Kasi nakapagmove-on ka na! Ano ba ibig sabihin ng salitang move on? Ang ibig sabihin nyan, "Hindi na akong aasa na mag-kakabalikan pa kami" o kaya naman ay "Tapos na akong mag-pakatanga".

     Kung may nararamdaman kang selos, hindi dapat. Kasi Kaya ka nga nag-move on eh, para makalimutan mo sya. Kung mag-seselos ka lang din pala, ano pang rason at nag-move on ka?? :( Tsaka hindi na sya sayo. HINDI NA SYA SAYO. (Yes, kailangan ko talagang i-emphasize eto kasi totoo naman di ba?!) Hindi lahat ng lalake/babae ay pagmamay-ari mo tandaan mo. Bumitaw ka kasi ayaw mo na, o ayaw na nya, o kung ano mang reason na yan, ang bottom line ay tapos na, di ba? Wala na dapat selos. Focus on what's current sa iyo ngayon. Kung kailangan mong iwasan sya, do it! Wag mong hahayaan na lahat ng time and effort na isinakripisyo mo para makapagmove-on ay bigla na lang mawala. Kasi sa nakikita ko, kung nag-give in ka, ikaw din ang talo :( Ayokong talo ka; gusto ko panalo ka.

     Tsaka bakit ka mag-iinggit kung hindi naman talaga sya ang para sayo? Ate/Kuya, kaya kayo hindi nag-katuluyan, kasi meron daw ibang nakalaan para sayo. Si Ex, naging guide yan para may matutunan ka sa buhay. Nilagay talaga sya jan sa tabi-tabi para iyong makasalamuha, pero hindi makatuluyan. Be thankful kasi may natutunan ka! Wag ka nang bitter please! Hindi yun bagay para sa kagandahan/kagwapuhan mo :)

Comments