Para Sa Kanila

Hindi ko man banggitin sa aking mga panalangin,
Alam kong kayo ay Kaniyang ipinagkaloob sa akin.
Binigyan nya ako ng mga kaibigan
Na hanggang ngayon ay hindi ako nililisan.
Sa simula pa lamang ay kayo na ang kaagapay at sandalan.

Animo'y kayo ang Buloy ng buhay ko.
Kayo nag-patuloy sa akin nung pinalayas ako ng mga magulang ko.
Kayo ang nag-silbing tagapag-sanggalang ko
Sa tuwing binabayo ako ng mga problema nitong mundo.
Present kayo nung maligaya ako,
Present din kayo nung muntik ko na kunin buhay ko.
Kaya mga brad, salamat ng marami sa inyo.

Di nyo ako pinapabayaan kahit na tayo ay mag-away away.
Kahit na sa simpleng mga barkadang payo nyo lang dinadaan ang lahat,
Ang mga payong kapatid na ito,
Hanggang ngayon ay aking kaakibat.
Di man tayo tulad ng dati na nag-kikita't mag-kakasama,
Baon naman ng aking puso't isipan ang matatamis nating mga alaala.
Kaya naman sa muli nating pag-kikita,
Nawa'y tulad pa rin ng dati ang pakikisalamuha.
Tumanda man tayo,
Sana wala pa rin mag-bago,
Sana hanggang sa dulo,
Solid pa rin tayo.

Comments

Post a Comment