Hilig
Nag-simula ang lahat ng ito
Noong una kitang naisip.
Hindi ko lubos akalain noong una na kaya ko.
Kasi parang nakapa-imposible,
At natatakot akong mapansin ng ibang tao
Natatakot akong matawag na
"Pasikat" at "Mayabang".
Pero sa tuwing napapalapit ako sayo,
At nahahawakan ko na ang mga "kamay" mo...
Tila bang pinapadaloy sa akin ng Diyos,
Ang kakaibang talento na hindi ko pa
Nadidiskubre sa buong buhay ko.
Para akong ibang tao,
Na sa tuwing ginagawa na natin ang ating gusto,
Kakaibang saya ang nararamdaman.
Kakaibang kumpiyansa sa sarili ang dumadaloy sa buong katawan ko.
Salamat at binigyan ako ng ganitong abilidad.
Salamat at binigyan ako ng ganitong talento.
Ngunit lumipas ang oras at mga panahon,
Tulad ng pag-limot natin sa maraming bagay,
Ikaw ay napasama na doon.
Hindi ko man sinasadyang mawalan ng oras sa iyo,
Ni minsan ay hindi ko nilimot ang ipinagkaloob na talento.
Kaya nang dumating ang napipintong pagkakataon,
Dagli kong binuksan ang iyong kaha,
At madalian kong inayos ang iyong tipa.
Di man ganoon kagaling tulad ng dati,
Ang mahalaga ay hawak na kita muli.
Huwag nating hahayaang masayang
Ang nadiskubre nating sariling talento.
Dahil, kadalasan, ito ang nakakapag-dulot ng tunay na saya sa ating puso.
At kung hindi pa natatagpuan ang inyong mga hilig,
Huwag matatakot na mag-siyasat.
Wala namang mawawala.
At kung ito ay natagpuan na,
Huwag matatakot na ihayag sa iba ang tunay na sa ati'y nag-papasaya.
Comments
Post a Comment