Delusyon


Minsan ka nang nag-pakita sa panaginip.
Aaminin, minsan ngang binigyang silip.
Minsan na ding pinagtapat ang damdamin.
Pero sana pinigilan pa ang sarili habang sinasabi sa salamin.
Dahil sa dami ng aking pinapangarap mangyari,
Umasa ako sa pakiramdam na hindi mawari.
Umasa ako sa pag-kakataong ito, na kapag umibig sa sinasabing tamang paraan,
Ay hindi na makakaranas ang puso ko na matapakan.
Pero bakit nga ba tayo nag-mamahal?
Hindi ba dahil sa tayo ay sumusugal?
Sumusugal at nag-babaka sakaling tayo rin ay kanyang mahal.

Alam ko ang sasabihin ng iba, na "Bakit hindi mo na lang totohanin?"
Ang bitawan ang mga salitang, "Matagal na akong sayo'y may pag-tingin"
Sabay banat ng mga katangang "Pwede ba kitang tawaging akin?"
Ngunit natatakot pa rin akong aminin.
Dahil ayokong pag-kataos ng lahat ng pinaghirapan kong buuin,
Baka iyo lang balewalain at tratuhin ako na parang hangin sa iyong paningin.

Pero hanggang kailan magki-kimkim?
Sa bawat tao na iyong nakakausap, hindi ko mapigilan na maging sakim...
Sakim sa atensyon at sa pag-mamahal
Dahil bago pa sila mag-bida-bidahan, na sa akin pa ang entablado ng iyong pag-mamahal.
Iyong ipinaramdam ang saya sa aking pag-tatanghal ng buong puso.
Kaya naman ako ay lalo pang nahulog sa bitag mo.
Sa patibong na minsan nang iniwan ng at tuluyan nang nakalimutan.
Ngunit gust ko ito ipaalala sayo at muli mong maranasan.
Yung pag-ibig na sa iba ay hindi mo mahanap.
Yung panaginip kung saan yakap at nahahagkan mo ang iyong pangarap.
Yung pag-ibig na pakiramdam mo ay walang hanggan,
Ako yun, tingin ka lang dito sa iyong kanan.

Marami na akong pinag-daanan,
Marami na rin akong naranasan.
Pero sa lahat ng taong nakilala ko,
Ikaw ang namumukod-tanging nag-pasakit ng aking ulo.
Hindi ko alam kung bakit at paano,
Pero sa tuwing nakikinig ako sa mga kwento mo,
Parang lumilinaw ang lahat ng madilim na bahagi ng buhay ko.
Sa mga sanaysay mo tungkol sa buhay mo,
Aking napagtanto sa sarili ko
Na sobrang pambihira mong tao.
Kaya hindi ko napigilang mahulog lalo para sayo.

Sumusuko na ako sa paliksahang ito na patungkol sa iyo.
At magiging kaligayahan ko na ang mahanap mo ang kabiyak mo.
Hinding-hindi ko malilimutan ang mga pabaong aral mo.
Ikaw ang ginamit Niyang kasangkapan
Upang ako ay masilayan muli sa kasiglahan.
Kaya kahit hindi nag-katotoo ang mga hiniling ko sa may kapal,
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang sya ay daratal.
Sya, na kahit anong mangyari ay hindi ako pababayaan.
Sya, na itinakdang makasama ko magpakailan-kailanman.
Sya, na tuturuan akong mas lalo pa na mag-tiwala Sayo,
At higit sa lahat, sya, na bubuo at mag-papasaya sa buhay ko.

Comments