Pusong Nag-hihintay


Bakit ganito ang nadarama?
Kumakabog ang dibdib sa tuwing ika'y nakikita..
Di ko mapigilang silipin ka sa gilid ng mga mata,
Ano nga bang mayroon ka?
Di ko magawang lapitan,
Di ko magawang ilapat mga pangungusap na tumatakbo sa isipan.
Sa iba ay kayang ipahayag ang damdamin na sa iyo'y nadarama,
Ngunit pagdating sayo, ni bumati ay hirap akong magawa.

Minsan nang sinubukang lumapit,
Ngunit mga paa ay hindi ibig mag-lakad papalapit.
Minsan nang sinubukang mangusap,
At ang puso ay ikinakanta iyong pangalan, ngunit tikom at ayaw mangausap.
Hindi naman ako ganito,
Pero bakit  ganito ang damdamin ko?
Sa nakapa-simpleng ngiti na makita ko sa iyong labi,
Pakiramdam ko ay pwede na akong lumipad papuntang langit.

May mga pag-kakataong ramdam kong hindi kita maabot
Dahil sa iba't ibang tao na sa iyo'y naka-palibot.
Inaamin kong may inggit akong nararamdaman
Sa tuwing sila'y aking nadadatnan.
Pero nababalewala lahat ng ito
Kapag napapansin mo ako.
Kaya ang tangi kong pinanghahawakan ay yung mga matatamis na salita
na minsan mo na sa akin ipinalibot.
Kahit na lagi mong ginagaya ang boses ni Babalu at ni Pong Pagong sa Batibot.
Oo, alam ko na kaibigan lang ako
At hindi man intensyon na agad-agarang gawing seryoso,
Napag-pasyahan ko na mag-hihintay ako.

Akin na lamang idadalangin sa Diyos na nasa langit
Ang lahat ng hangad ng puso kong mangyari.
At kung ito ay ipagkaloob, sa araw-araw ay mag-papasalamat ako,
Dahil mayroon tulad mo na dumating sa buhay ko.
Sa ngayon, salamat dahil sa simpleng mga pag-kaway at pag-ngiti mo sa malayo,
Nakakaramdam ang puso ko ng pag-lukso ng dugo.

Marahil may takot na nadarama sa puso
Dahil minsan nang ibinulong sa iyo ang laman nito
At hindi pa alam ang iyong palagay sa iminungkahi ko.
Pero kahit ano pa ang kalabasan nito, gusto kong malaman mo
Na sa simpleng mga ganito,
Napapasaya mo ako.
At para sa akin, ito yung mahalaga.
Kaya hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa at kumpiyansa.

Comments

  1. Galing nmn po🥺❤️ number 1 fan mo po ako💕

    ReplyDelete

Post a Comment