A Second Chance


Tulad ng sabi ko sa iyo,
Sa oras na ito, sa kinalalagyan ko,
Binitawan ko ang mga salitang ito sa'yo:
"Mag-hihintay ako"
Akala ko hindi ka naniwala.
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa
Nag-baka sakali akong lilingon ka.
Sa libo-libong bagay na iniisip ko,
Ang pag-lingon mo ang nag-katotoo.

Tulad ng pinalangin ko,
Unti-unti kang lumapit,
Unti-unti ka muling kumapit.
At maguli, ika'y naniwala sa mga sinasambit ko sayo.
Patawad. Patawad sa lahat ng aking mga kasalanan sayo.
Alam mo na kung ako lang masusunod,
Hindi ako aalis sa piling mo.
Pero nangyari na ang mga nangyari
At heto na tayo ngayon.

Mata sa mata,
Hawak ang kamay ng isa't isa.
Sasambitin ko sayo lahat ng nilalaman ng puso ko.
Ibubulong sa iyo kung paano rin unti-unting gumuho ang mundo ko.
Hindi ko ginusto ang ginawa ko noon.
Kaya ibig kong pasalamatan ka ngayon.
Dahil binibigyan mo ako ng pag-kakataon na itama ang mga mali ko.
Ramdam ko na pangalan ko pa rin ang sinigigaw ng puso't damdamin mo.
Pangako, hindi na mauulit ang nakaraan.
Pangako, hindi na ulit kita iiwan.
Ito na talaga ang walang hanggan.


Comments