That Pag-Ibig Thingy


Pag-ibig? Pag-mamahal? Yun bang tipong iniisip mo yung kabutihan ng taong mahal mo. Yung hindi mahalaga ang sarili mong nararamdaman, basta sya, ligtas, maayos, at masaya. Kapakanan nya ang pinapahalagahan mo at handa ka na mag-sakripisyo at masaktan alang-alang sa kanya.

Pero alam mo, hindi lang naman laging pag-paparaya ang pag-mamahal eh. Minsan, kailangan mo din naman na ipaglaban ito lalo na kung nararamdaman mo sa puso mo na parang... ito na yun. Na ito na yung "Great Love" mo. Kasi ang Great Love, minsan lang ito dumadating sa buhay ng isang tao. 

Hindi dapat ito basta-basta sinusuko, kasi kapag pinalampas mo, maaring hindi na ulit ito bumalik sa buhay mo...

Comments